Monday, January 2, 2012

TOP TEN STORIES:Magkakasunod na kalamidad sa Bulacan and #1



MALOLOS—Ang sunod-sunod na pananalasa ng kalamidad sa Bulacan na tinampukan pa ng halos dalawang linggong pagbaha noong Setyembre at Oktubre ang nanguna sa 10-pangunahing balita ng Mabuhay sa taong 2011.

Ang iba pang pangunahing balita sa nagdaang taon na napili ng mga bumubuo ng Mabuhay ay ang mga sumusunod:

2.  Kalikasan o ang pangangalaga, pag-abuso, pabuo at pagpapatupad ng polisiya para sa proteksyon nito.

3. Climate change o ang nararadamang pagbabago ng timpla ng panahon na naghahatid ng di masukat na pinasala; kasama ang mga hakbang paghghahanda upang ito ay harapin at labanan.

4. Malayang pamamahayag at ang kampanya ng mga mamamahayag sa lalawigan at buong bansa para wakasan ang impunity o kawalan ng napaparusahan sa pamamaslang sa mga mamamahayag; samantalang patuloy ang pagsisikap ng Mabuhay para sa mataas na antas ng pamamahayag na tinampukan ng dalawang parangal na natanggap noong Hunyo.

5. Mabuting pamamahala na nasubukan sa ibat-ibang pagkakataon na hinamon ang katatagan ng pamunuan sa lalawigan maging sa mga pamahalaang lokal.

6. Kalusugan o ang pagtiyak ng kaligtasan ng mamamayaang Bulakenyo sa banta ng tumataas na insidente ng dengue, rabies at pinangangambahang leptospirosis noong bumaha.  Kasama rito ang pagbubukas ng mga dagdag serbisyo ng kapitolyo katulad ng dialysis at cancer center sa Bulacan Medical Center (BMC) at planong pagpapalawak ng serbisyong medikal sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga dagdag na district hospital sa iba pang bayan sa lalawigan.

7. Negosyo at ekonomiya na tinampukan ng mga panukala sa isinagawang North Luzon Area Business Conference sa Malolos at patuloy na pagsisikap ng mga nasa likod ng paghabi ng soombrerong buntal at naghihingalong industriya paputok.

8.  Produksyon ng pagkain, partikular sa industriya ng pamamalaisdaan na lubhang naapektuhan ng pagbaha at nararamdamang epekto ng climate change.

9.  Kabataan, Edukasyon at Palakasan na tinampukan ng ilang nmasisikap na indibidwal at koponan.

10. Turismo, Sining at Kalinangan na patuloy na patuloy pa ring naghihintay ng tamang direksyon mula sa mga namumuno.
Ang 10 pangunahing balitang ito na inilathala ng Mabuhay sa taong 2011 ay masusing pinili ng patnugutan ng pahayagang ito.

Katulad sa mga nagdaang taon, binigyang halaga ng mga nasa likod ng Mabuhay ang  epekto ng mga nabanggit na balita sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan at pamayanang Bulakenyo

Batay na rin sa pagkakasunod-sunod ng 10-pangunahing balita ng taon, mapapansin na nakakatulad ito ng tanikala na magkakaugnay.

No comments:

Post a Comment