Friday, January 6, 2012
2011 TOP STORIES: #4. Malaya at mataas na antas ng pamamahayag
Bukod sa pagkilala sa tungkuling maghatid ng sapat na impormasyon sa mga tungkol sa climate change, nakiisa rin ang Mabuhay sa kampanya upang mawakasan ang culture of impunity sa bansa na tinampukan ng International Declaration to End Impunity (IDEI) noong Nobyembre 23 kaugnay ng ikalawang taon ng Maguindanao Massacre.
Bahagi ng pananaw na ito ang paninwalang mas higit na makapaghahatid ng makabuluhang balita ang mga mamamahayag kung walang pagbabanta sa kaniyang kaligatasan.
Dahil dito, bawat gawaing isinagawa ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Bulacan chapter ay tinutukan, maging ang mga pooled editorial at mga nagkakaisang pahayag ay nalathala sa mga pahina ng Mabuhay.
Kabilang dito ay ang pagsasagawa ng mga gawain para sa buwannang paggunita sa Maguindanao Massacre, paggunita sa World Press Freedom Day at pagsasagawa ng lecture series noong Hulyo 23, Setyembre 23 at Disyembre 2.
Ang paglahok ng Mabuhay sa kampanyang ito, higit na nagpalawak sa pagkakaunawa ng mga pinuno sa lalawigan sa kalagayan ng mga mamamahayag kaya’t noong Marso 23 o ika-16 buwang ng Maguindanao Massacre ay nakilahok si Gob. Alvarado at nangakong hindi mangyayari sa mga mamamahayag sa lalawigan ang karanasan sa Maguindanao.
Nasundan pa ito ng kanyang pahayag sa paggunita na kaarawan ni Gat Marcelo H. Del Pilar noong Agosto 30 kung kailan ay hinamon niya ang mga mamamahayag na maging siya ay batikusin kung siya ay may pagkakamali, kasabay ng paalala para sa responsableng pamamahayag.
Sa kabila nito, dalawang mamamahayag ang sinampahan ng kasong libelo sa lalawigan, isa ang binugbog, at isa naman ay ipinaaresto ng kanyang mga kapitbahay dahil sa alegasyon ng paglustay sa pondo ng kanilang samahan.
Bukod sa mga kalagayang ito, nagluksa rin ang Mabuhay sa pagpanaw ni Jose Leetai Pavia, ang punong patnugot at tagapaglathala ng pahayagang Mabuhay. Nagsilbi rin siya bilang executive director ng Philippine Press Institute (PPI) sa mahabang panahon.
Maging ang dating pangulo ng Bulacan Press Club (BPC) na si Loren Banag ay pumanaw din sa huling bahagi ng taon.
Sa kabila ng mga kaganapang ito, patuloy ang pagsisikap ng Mabuay ay ilang pang pahayag sa lalawigan para mapataas ang antas ng pamamahayag. Bilang patunay, tumanggap ng dalawang parangal ang Mabuhay sa taunang PPI Community Press Awards na isinagawa noong Hunyo.
Natanggap ng Mabuhay ang mga parangal na “Best in Photojournalism” at Best Edited Newspaper” sa weekly category.
Maging ang mamamahayag na ito ay nanatiling masigasig sa pagpapataas ng natas ng kakayahan sa pamamahayag. Ito ay sa pamamagitan ng paglahok sa ibat-ibang pagsasanay na humantong sa pagkapili bilang isa sa mga fellows ng Probe Media Foundation Inc.
Ito ang ikatlong fellowship na tinanggap ng mamamahayag na ito sa panahon ng paglingkod sa Mabuhay. Una ay ang PPI Civic Journalism Fellowship noong 2006 at ikalawa ay ang Jaime V. Ongpin Journalism Fellowshiop mula sa Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) noong 2010.
Bukod sa pagpapataas ng antas ng kakayahan, pinalalawak din ito ng mamamahayag na ito dahil sa paglahok sa paligsahan ng Mabuhay katulad ng feature writing at new media contest na isinagawa noong Hulyo.
Dahil sa paglahok, ang lathalain ng mamamahayag na ito ay napabilang sa mga artikulo inilathala sa paglulunsad ng bagiong website ng PPI, maging ang new media entry bibigyan ng pagkilala.
Kaugnay nito, anim namang mag-aaral mula sa Bulacan State University ang tumanggap ng paranngal mula sa NUJP-Bulacan para sa isinagawang feature writing at new media contest nitong Disyembre.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment