Wednesday, January 4, 2012

2011 TOP STORIES: #8. Produksyon ng Pagkain



Hindi pansin ng marami ang kakulangan sa pagkain sa nagdaang taon, ngunit nararamdaman pagtaas ng presyo nito.

Ito ay isang palatandaan ng mababang produksyon ng pagkain, hatid ng sari-saring kadahilanan.

Una ay paulit na pagbaha na paulit-ulit na nananalasa sa ibat-ibang bahagi ng lalawigan katulad sa mga bayan ng San Miguel at San Ildefonso, na itinuturing na vegetable basket ng lalawigan.

Lumubog sa baha ang mga bukirin at gulayan sa mga nabanggit na bayan noong manalasa ang Bagyong Falcon noong huling bahagi ng Hunyo.

Nasundan pa ito ng Bagyong Pedring noong Setyembre at Bagyong Quiel noong Oktubre 1.

Bukod sa bagyo, dalawang beses pang pinalubig ng baha ang mga bukrin sa bayan ng san Miguel nitoing Nobyembre sanhi ng shallow low pressure area.

Pinalubog din ng baha ang mga bukirin sa mga bayan ng Pulilan at Paombong, maging ang mga palaisdaan sa Calumpit at Hagonoy sanhi ng bahang hatid ng bagyong Pedring at Quiel.

Ayon sa mga namamalaisdaan sa Hagonoy, aabutin ng isang taon bago sila muling makabangon, ngunit ito ay pahayag nila noong Oktubre.

Mas magtatagal pa sila bago muling makabangaon dahil pagpapatapon ng tubig ng Angat Dam sa Ilog Angat na nagtulak sa tubig alat sa dagat.

Sa operasyon ng palaisdaan, partikular na sa mga nag-aaalaga ng bangus, brackishwater o magkahalong tubig alat at tabang ang kanilang pangunahing kailangan.

Dahil sa pagkaantala ng kanilang operasyon, nagbabala ang mga namamalaisdaan sa posiblidad na higit tumaas ang presyo ng isda.

Upang matiyak naman ang produksyong ng palay at gulat, isinagawa ang kampanya laban sa mga dagang bukid; at upang maproteksyunan ang paghahayupan sa lalawigan partikular na ang babuyan, inilunsad ang kampanya laban sa botyang karne.

Ang mga kalagayang ito ay ilan lamang sa mga batik sa produksyon ng pagkain sa lalawigan; bukod pa sa pagkawasak ng mahigit 100-ektaryang palaisdaan sa baybayin ng Hagonoy.

Para sa mga residente at mga dalubhsa, ang mga ito ay ilan lamang sa mga nararamdamang epekto ng claimate change, na kung hindi lalabanan ay higit na pinasala ang ihahatid sa mga darating na taon.

No comments:

Post a Comment