LUNGSOD NG MALOLOS—Umani ng pagbatikoS sa mga historyador ang
deklarasyon ng Malakanayang na special non-working holiday sa Lunez, Enero 23
bilang pagdiriwang ng Chinese New Year.
Ito ay dahil sa hindi nabigyang pansin ang ika-113 guning
taon ng Unang Republika ng bansa na pinasinayaan sa makasaysayang simbahan ng
Barasoain sa lungsod na ito noong 1899.
Gayunapaman, magsisilbing panauhing pandangal si Bise
Presidente Jejomar Binay sa nasaping pagdiriwang na kinikilala ng mga
historyador na kauna-unahang demokratikong republika na iniluwal sa mga
kontinente ng Asya at Africa.
Ayon kay Jimmy Corpuz, pangulo ng Heritage Conservation
Society-Bulacan chapter (HCS-Bulacan), ang kawalan ng pagkilalal ng pamahalaang
pambansa sa pagpapasinayan sa Unang Republika ay isang insulto sa mga bayani ng
bayan.
“Isang malaking sampal at insulto sa kagitingan ng ating mga
bayani ang lumimot sa kanilang
kabayanihan at ating dakilamng kasaysayan,” ani Corpuz.
Binigyang diin pa niya na mababaw na pananaw ng pamahalaang
pambansa sa kasaysayan ng bansa ay katumbas ng isang paglapastangan sa
kagitingan ng mga bayani at dalisay na kasaysayan ng bansa.
Inayunan din ito ni Dr. Jaime Veneracion, ang pangunahing
historyador ng lalawigan na nagtuturo sa University of the Philippines. Noong Biyernes, his Veneracion ay
nakipagpulong sa mga guro ng kasaysayan mula sa sangang ng pamantasang San Beda
sa Alabang.
Ayon kay Veneracion, maging mga guro ng San Beda-Alabang ay
naniniwala na ang deklarasyong special non working holiday ng Malakayang para
sa araw ng Lunes ay bahagi ng akomodasyong pampulitika.
Binigyang diin niya na ito ay nagpapakita ng “lack of sense
of history” o kamalayang pangkasaysayan ng mga namumuno sa bansa.
Inayunan din ito nina Cesar Villanueva ng Bulacan, at
Abogado Edre Olalia, ang secretary General ng National Union of People’s Lawyer
(NUPL).
“Nakakainsulto sa
alaala ng ating mga bayani ang lack of sense of history,” ani Villanueva.
Iginiit pa niya na, “mas nakakabahala ay kung iniiwasan
nating ang isyu dahil nahihiya tayo sa
Amerika na skiyang umagaw ng ating
kalayaan at dumurog sa Unang Republika.
Tinangka rin ng mamamahayag na ito na kunan ng pahayag si
Abogado Edwin Lacierda, ang presidential spokesperson sa pamamagitan ng
pagpapahatid sa kanya ng text message patungkol sa pananaw na kung ang
deklarasyon ng Malakayang ay bahagi ng akomodasyong pampulitika o kawalan ng
kamalayan sa kasaysayan.
Tumugon naman si Lacierda sa pamamagitan ng isang text
message kung saan ay sinabi niyang, ”Sorry, I cannot dignify that answering
that question. The question suggests a
lack of understanding of the contribution of the Filipino Chinese in our commerce, culture and history.”
Ang tugong ito ay sinundan pa ni Corpuz ng dagdag na komento
kung saan ay sinabi niya,””how about the valor, sacrifice and greatness of our
revolutionary heroes? Kakatawa naman
siya.”
Una rito, ipinaliwanag ni Isagani Giron, ang president emeritus ng Samahang
Pangkasaysayan ng Bulacan (Sampaka) na ang Enero 23 ay isa sa pinakamahalaang
araw sa kasaysayan ng Pilipinas bilang isang bansa.
Ayon kay Giron, ang Enero 23 ay ang pagsilang ng Unang
Republika ng bansa na kinikilala bilang kauna-unahang demokratikong republika
sa mga kontinente ng Asya at Africa.
Gayunpaman, sinabi ni Giron na sa kabila ng kahalagahan ng
nasabing araw, ito ay nakakalimutan ng mga pinuno ng bansa.
Bilang pagbabalik tanaw sa kasaysayan, sinabi ni Giron na
ang deklarasyon ni Heneral Emilio Aguinaldo ng kalayaan sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12,
1898 ay nagluwal sa isang rebolusyunaryong pamajhalaan.
Ang deklarasyon ni Aguinaldo ay nabigyan lamang ng
pagkilalang demokratiko ng ito ay pagtibayin ng Kongreso ng Malolos noong
Setyembre 29, 1898. Ang Kongreso ng
Malolos ay nagbukas noong Seytembre 15, 1898.
Iginiit din ni Giron na ang pinakadakilang kontribusyon ng
Kongreso ng Malolos sa kasaysayan ng bansa ay ang pagouluwal at at
pagpapasinayan nito sa Unang Republika ng bansa noong Enero 23, 1899.
What now PNOY? You are only thinking of your ancestors. Dapat sa yo tanggalin sa pwesto dahil wala ka naman talagang pakialam sa mga Pinoy. Hanggang yabang ka na lang ba?
ReplyDelete