MALOLOS CITY—Patay ang apat na hinihinalang kasapi ng Dominguez carnapping syndincate sa isang shooutout sa Lungsod ng Meycauayan kagabi, Enero 25.
Kinilala ni Bulacan Police Director Senior Supt. Fernando Mendez ang isa sa mga suspek na si Nestor Samonte, 32, residente ng Brgy. Iba Este Calumpit, Bulacan, kung saan nagmula ang itinuturing na lider ng Dominguez group.
Batay sa ulat ng Meycauayan PNP, namataan ng ilang residente sa Brgy, Iba ang isang kulay gray na Isuzu Dmax pick up truck na nakaparada sa madilim na bahagi ng kalsada at pinapalitan ng plaka ng isa sa mga suspek..
Dahil dito ay inalarma ng mga residente ang kapulisan na agad na nagsagawa ng kanilang operasyon, ngunit nakatunugan ito ng mga suspek at agad na pinaputukan ang rumespondeng pulis.
Dead on the spot ang dalawa sa mga suspek at dead on arrival (DOA) naman sa Sta. Clara de Montefalco Hospital ang dalawa pa; habang isa pang kasamahan ng mga napaslang ang nakatakas.
Ayon sa PNP, ang mga suspek ay remnants ng Dominguez Carnapping group na dating pinamumunuan ni Raymond Dominguez.
Narekober mula sa crime scene ang isang Uzi sub-machine pistol at tatlong kalibre .45 pistolang baril at ang umano’y kinarnap nito na sasakyan.
Ayon sa pulisya, kinarnap sa Quezon City ang Isuzu pick up truck bago dinala sa Bulacan kung saan naaktuhan na pinapalitan ng plaka.
Ang nasabing Isuzu pick up truck ay may plakang NHI 625, ngunit ito ay pinalitan ng NOA 153.
No comments:
Post a Comment