MALOLOS—Hindi bibigyan ng
pabor ng korte si retired Major General Jovito Palparan hanggat hindi siya
sumusuko.
Ito ang pahayag ni Abogado Edre Olalia noong Lunes ng umaga
matapos ang kauna-unahang pagdinig sa kasong kidnapping at serious illegal
detention na laban kay Palparan at mga aksuadong sina Lt. Felipe Anotado, M/Sgt.
Rizal Hilario at S/Sgt. Edgardo Osorio.
Kaugnay nito, hiniling sa korte nina Erlinda Cadapan at
Concepcion Empeno na ibaloik sa Bulacan Provincial Jail sina Anotado at Osorio
na sumuko noong Disyembre 21 ngunit inilipat sa Fort Bonifacio
noong Dosyembre 23.
Sina Erlinda at Concepcion ay ina nina Serlyn Cadapan at
Karen Empeno, ang dalawang mag-aaral ng University of the Philippines na
dinukot ng mga armadong kalalkihan noong gabi ng Hunyo 26, 2006 sa Brgy.. San
Miguel sa bayan ng Hagonoy.
Bilang abogado nina Cadapan at Empeno, sinabi ni Olalia sa
mga mamamhayag matapos ang unang pagdinig sa kaso ang naging pahayag ni Judge
Teodora Gonzales ng RTC Branch 14.
“Sabi ni Judge Gonzales na categorically, Palparan cannot expect
relief from the courts,” ani Olalia.
Ito ay dahil daw
sa hindi pa sumusuko o nagpapakita sa korte si Palparan matapos sampahan ng
kaso noong Disyembre.
Ayon pa kay Olalia, nasa hurisdiksyon na ng korte ang kaso,
nguniut ang katauhan nina Palparan at Hilario ay wala pa sa hurisdiksyon nito.
Hinggil naman sa paglilipat kina Anotado at Osorio sa Fort Bonifacio,
sinabi ni Olalia na naging biglaan iyon at hindi naipabatid sa kanila ng korte
“It was done ex parte, we were not informed about the
transfer,” ani Olalia
.
Sinabi naman ni Abogado Narzal Mallari na kumakatawan sa mga
akusado, na nanganganib ang buhay ng kanyang kliyente sa Bulacan provincial
jail kaya’t inilipat.
Para naman sa mga
ina nina Cadapan at Empeno, dapat ibalik sa Bulacan Provincial Jail sina
Anotado at Osorio.
Ito ay upang matiyak na hindi bibigyan ang mga ito ng
special treatment. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment